Mayor Rios: Go for Tourism, Fishing and Farming..NO TO MINING!

ABS-CBN Gabby Lopez  FamilyNasa larawan si Gabby Lopez, ABS-CBN President at ABS-CBN Foundation Managing Director Gina Lopez at pamilya sa Dubduban Falls, Espana, San Fernando, Romblon sa paanyaya ni Mayor Dindo Rios.Mga kabundukan na nababalutan ng mga iba’t-ibang kulay berdeng puno, halaman at damo, nagsisilbi itong tirahan ng mga sari-saring hayop at insekto. Malinis na tubig na dumadaloy sa mga waterfalls patungo sa mga batis at ilog deretso sa malawak na karagatan na mayaman sa mga iba’t-ibang yamang tubig. Ito ang tatambad sa mga nagtutungo sa Bayan ng San Fernando, Romblon.

Ang totoo nito, nagkaroon ng Memorandum of Agreement (MOA) ang Bantay Kalikasan na pinamumunuan ni Gina Lopez at ng LGU. Kung saan ang mga kikitain sa mga proyekto ay paghahatian tulad ng 5% na kita ay mapupunta sa barangay, sa suweldo naman ng mga tao mapupunta ang 70% at ang 25% naman ay gagamitin sa pagpapaayos at mentina. Samakatuwid, walang isa man sentimos na ilalabas sa bayan ng San Fernando.” 

 Summer Capit32237940Cantingas River, na dinarayo ng mga lokal at mga banyagang turista dahil sa malamig at malinis na tubig at magandang tanawain dahil napapaligiran ito ng makapal na kakahuyan. Dumadaloy ang tubig mula sa Mt. Guiting-guiting.al of Romblon
Ang  San Fernando, na may sukat na mahigit kumulang sa 250,000.00 Kilometro kuwadrado at populasyon na mahigit sa 25,000 ay nakahimlay sa paanan ng bundok ng Mt. Guiting-guiting na may taas na mahigit sa 2,058 metro o 6,752 talampakan at gilid ng karagatan ng Sibuyan Sea.
Nabiyayaan ang bayan na ito ng likas na yaman. Malamig at sariwa ang samyo ng hangin, mula sa kabundukan at karagatan. Makapal ang kakahuyan at iba’t-ibang uri ng halaman, hayop at insekto (endemic species flora and fauna). Sa loob ng kagubatan nito nararanasan ang tinatawag na Rain Forest dahil bumabangga ang ulap na may dalang tubig sa matataas na bundok.

Mula rin sa kabundukang ito, umaagos pababa sa maraming talon (waterfalls) ang malinis na tubig, tulad ng Busay Falls sa Brgy. Panangcalan, Dagubdob Falls sa Punong River, Brgy. España, at Cantingas River sa Brgy. Taclobo na nagawaran bilang isa sa pinakamalinis na ilog sa buong Pilipinas, iginawad ni dating PGMA ang nasabing parangal kay Mayor Dindo Rios.

223842 407503279299953 222728314 nKinagigiliwang puntahan ang mga lugar na ito ng mga mismong residente, kanugnog bayan at ng mga turista, lalo na kung tag-araw at tuwing bakasyon sa klase, kaya tinawag itong “Summer Capital of Romblon”.

Maraming naisagawang proyekto para sa programa ng turismo ang administrasyon ni Mayor Dindo C. Rios sa kanyang bayan, katuwang ang lehistlatura ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Jesusima Castro at Konsehal Daxie Rios na Committee Chairman ng Tourism. 

Tulad halimbawa ng paglalagay ng ZIP Line sa Cantingas River Resort na ginastusan ng ABS-CBN Foundation na pinamumunuan ng kaibigan ni Mayor Rios na si Gina Lopez, at siya rin ang Executive Director ng Pasig River Rehabilitation Council at kilalang Anti-Mining dahil sa kanyang adbokasiya sa kalikasan, patuloy pa rin ang mga magagandang plano para sa Cantingas River resort at sa buong Sibuyan. 

Cresta del GalloIsla ng Cresta del Gallo: Nasa larawan si Mayor Dindo Rios (dulong kanan) kasama ang kaniyang maybahay na si Ruby Rios, Trina Firmalo (sa likod), at Zita Lopez (dulong kaliwa) na nananatiling aktibong manlalaro ng tennis sa edad na 82 taon gulang.Taliwas naman sa sapantaha ng maraming lokalidad dito, at dahil na rin marahil sa sulsol ng mga oposisyon na komo ginagastusan ng ABS-CBN Foundation ang maraming proyekto at pati ang pagpapasuweldo sa mga tao, ay tila umano ipinagbili na ni Mayor Rios ang Cantingas River at iba pang lugar.

Busay fallsBusay Falls sa Barangay Panangcalan, San Fernando, RomblonIto ay walang katotohanan, dahil di pwedeng ipagbili ni Mayor Rios ang di sa kanya, ang nasabing ilog ay pag-aari ng estado, at mangangailan ng Konsultasyon sa publiko o Public Hearing saka magkakaroon ng resolusyon ng Sangguniang Bayan at Sangguniang Panlalawigan bago magkaroon ng awtoridad ang alkalde ng magbenta. Ang totoo nito, nagkaroon ng Memorandum of Agreement (MOA) ang Bantay Kalikasan na pinamumunuan ni Gina Lopez at ng LGU. Kung saan ang mga kikitain sa mga proyekto ay paghahatian tulad ng 5% na kita ay mapupunta sa barangay, sa suweldo naman ng mga tao mapupunta ang 70% at ang 25% naman ay gagamitin sa pagpapaayos at mentina. Samakatuwid, walang isa man sentimos na ilalabas sa bayan ng San Fernando.    

Unti-unti rin ang isinasagawang pagpapaunlad ng 404951 291616697555279 1032522830 nZipline sa Cantingas River Resort sa Barangay Taclobo , San Fernando, RomblonDagub-dob Falls, sa Olango, España, maayos na ngayon ang dating masukal na daan, may mga tulay na nagdurugtong sa bawat pagitan ng batuhan nito, nilagyan din ng hagdan at ng mga kubo at upuang kiosk, para sa mga nagpipiknik.
Makikita lagi sa lugar na ito si Konsehal Daxie Rios na naglilinis at nagkakamada ng mga bato sa lugar, nagsisilbi pa rin siya minsan na tourist guide. Naging bukambibig na ng mga Romblomanon ang lugar na ito, dahilan, upang lalo itong sumikat at dayuhin.

Ang isla ng Cresta del Gallo na mahigit kumulang sa sampung (10) kilometro ang layo mula sa Brgy. Azagra ay madalas din pasyalan ng mga tao dahil sa taglay na kagandahan ng puting buhangin sa dalampasigan, bukod pa sa tahimik na lugar dahil sa layo ng kabihasnan, dagsa rin ang mga isda sa paligid ng karagatan.

Sa hangarin na mapangalagaan ang mga isda sa San Fernando, puspusan ang pagsasagawa ng mga proyekto sa fish sanctuary ni Mayor Rios na kinagigiliwang pasyalan at magswimming ng mga tao rito, pati ng mga kilalang tao tulad ng pamilya nina ABS-CBN President Gabby Lopez at ABS-CBN Foundation Managing Director Gina Lopez.

Makikita ngayon ang iba’t-ibang uring isda rito,  gumawa rin ng mga artificial reef (Doydoy Reef) na gawa sa kawayan na tinalian ng bato upang pangitlugaan at pamahayan ng mga isda. Ito ay ikinalat sa bawat barangay, si Mayor Rios na isang diver at matikas na atleta ay kasama mismo na nagkakamada ng mga ito sa ilalim ng karagatan.
Upang mapangalagaan ang likas na yaman sa kabundukan at kagubatan, nangilak siya ng pondo Mt. Guiting-guiting with SB Dax Riospara sa malawakang pagtatanim ng mga puno, isa na rito ang Philippine Coconut Authority sa pamamagitan ni Atty. Forbes na tumugon. Nagkaloob ng P1 milyon ang PCA at nilagyan ng P400,000.00 counterpart ng LGU. Sampung libong (10,000) pirasong niyog ang naitanim na sa 200 hektaryang lupa sa Cabitangahan at 6,000 naman ang itatanim sa Hunyo matapos ang tag-init.

Cantingas River ABS-CBN Managing Director Gina Lopez na tumalon mula sa taas na 30 Ft. na diving board sa Cantingas River Resort.Ang dati rin isang ektaryang lupa na gagawin sanang tambakan ng basura ay ginawa ng administrasyon ni Mayor Rios na Orchard Farm, malalaki na ngayon ang nakatanim ditong 100 punong Mangga, 100 punong Lanzones, 100 punong Rambutan at 100 punong Durian. Habang hinihintay naman paglaki ng mga niyog, nagtanim din ng mga puno ng saging sa pagitan ng niyog at babayaran pa ng PCA ang magtatanim sa halagang P10.00.

Namigay na rin sila sa mga residente ng 20 piraso ng baka, at halagang P117,000 na native chicken, ito ay sa pakikipagtulungan ng DAR, DA, DTI,PCA at LGU. uling mula sa mga basura at dahon, upang hindi na magputol ng kahoy, kumikita pa ang sariling kababayan. Nagpagawa rin siya ng tennis court upang may mapaglibangan ang mga turista o mamamasyal sa bayan ng San Fernando. Sinanay niya rin ang mga kabataan sa paglalaro ng tennis, upang mailayo sa masamang bisyo.

Ang kabahayan din sa lupa ng pamilya Rios, sa Olango, Brgy. España, kung saan ay maraming nakatirang aleman na tinawag itong German Village, ito ay ipinagpursigihang ipundar ng kapatid ni Mayor Rios na si Ninno C. Rios na bukod sa matagumpay na developer at realtor isa rin siyang philanthropist katunayan ay mahigit sa 400 na ang kanyang napagtapos sa kolihiyo sa ilalim ng scholarsyhip program ng Isagani Rios Foundation ay laging ipinagagamit sa mga bumibisita, lalo na sa mga VIP tulad nina Public Attorneys Office (PAO) Chief  Presida Acosta, ABS-CBN President Gabby Lopez at mga kaanak atbpa.

Banta ng Paglapastangan sa Inang Kalikasan
Ngunit ang kagandahan ng Inang likas na Yaman, tulad ng kabundukan, ilog, bukirin at maging ng karagatan ay nakaambang gahasain ng mga taong ganid sa yaman na nais kumita sa pagmimina, na may kasapakat na kababayan sa Romblon na walang pagpapahalaga sa damdamin ng mayorya ng mga Sibuyanon na labis na tumatanggi sa pagmimina sa kanilang lugar.

Katunayan, isa na ang nagbuwis ng buhay sa pakikipaglaban sa pagmimina, tulad ni Konsehal Armin Rios Marin, na binaril at napatay ng driver bodyguard ng Sibuyan Nickel Properties Development Corporation’s (SNPDC).

“Upang mapangalagaan ang likas na yaman sa kabundukan at kagubatan, nangilak siya ng pondo para sa malawakang pagtatanim ng mga puno, isa na rito ang Philippine Coconut Authority sa pamamagitan ni Atty. Forbes na tumugon. Nagkaloob ng P1milyon ang PCA at nilagyan ng P400,000.00 counterpart ng LGU. Sampung libong (10,000) pirasong niyog ang naitanim na sa 200 hektaryang lupa sa Cabitangahan at 6,000 naman ang itatanim sa Hunyo matapos ang tag-init. “

 Mayor Rios with CoconutSi San Fernando Mayor Dindo Rios habang iniinspeksyon ang libu-libong bilang ng mga niyog na handang ipagkaloob sa kanyang mga kababayan upang itanim.Tanging ang pahayagang ito ang naglabas noon bilang headline “Sibuyanons are Worth Dying For” kung saan ang larawan ni Konsehal Marin ay naroon na nagmumugmog ng dugo dahil sa balang pumasok sa bunganga at tumagos sa batok nito. Tila nilibak pa kami noon ng isang     Sangguniang Panlalawigan aniya…

“Maganda ang cover story ninyo bayani si SB Marin, pero ‘di na uso ang bayani, nasa posporo na lang sila ngayon hehehe.” Pinayuhan pa kami nito na maging Pro-Mining para kumita, tulad ng isang manunulat na taga-Sibuyan.  

Kasaysayan ng pagmimina sa Romblon
Mayor Rios during anti mining rallySi San Fernando Mayor Dindo Rios habang nagsasalita sa ginanap na rally bilang pagtutol sa planong pagmimina sa kanilang bayan.Matatandaan noong araw matapos ang halalan noong 2004, nagapi ang dating gobernador at naging kongresman ng tatlong termino na si Eleandro Jesus Madrona ng subukan nitong magbalik muli sa kongreso ng isang neophyte na doctor na si Eduardo C. Firmalo at nagwagi naman sa pagiging gobernador  ang kaalyadong si Perpetou B. Ylagan at matagumpay naman nakapuwesto bilang Bise Governador si Samuel R. Romero.

Magbuhat noon ay naging matamlay ang naging pagsasamahan ng dating kaalyadong nanalong gobernador na si Ylagan at ng natalong si Madrona, dahil sa bintang na trayduran, kung saan, bawat kilos at desisyon nito ay kinokontra ng bise marin copySi SB Armin Rios Marin (photo inset) ang nasa taurpulin na binaril sa bunganga habang pinipigilan ang operasyon ng pagmimina sa San Fernando,Sibuyan, Romblon.gobernador at Sangguniang Panlalawigan na sinasabing kontrolado umano ni Madrona.

Katunayan, madalas pa silang magdemandahan, tungkol sa pagsisante ng mga tauhan na sinibak ng gobernador, na pinalagan ng mga nasa oposisyon, lalo na ng mga empleyado na nagwelga at pinamunuan ng dating matalik na kaibigan ni dating Romblon Vice Mayor Lyndon Molino na si Nikki Taupo. Nag-organisa ito ng union o samahan na tinawag na UMKAR (Unyon ng Manggagawa ng Kapitolyo sa Romblon) lumapit pa ito sa may akda upang humingi ng tulong kay Paping Mayor at kalaunan ay nadikit kay Madrona.

189126 117273081763140 1935002849 nGerman Village: Isang lugar na kung saan tirahan ng mga pamilya ng mga German na nakapangasawa ng mga Pinay.

Taon 2005, kung saan, laging nakikita sa Sibuyan ang grupo ni Gov. Ylagan na ama ng miyembro ngayon ng Sangguniang Panlalawigan na si Dong-dong Ylagan, at kilala noon na Pro-Mining, (madalas pagsabihan ang may akda nito tungkol sa kagandahan ng Mining) kasama ang mga taga- Mining Firm na si Steve Taule at Jess Cabaruz ng Altai Mining.

Vice Pres. Noli de Castro with SP Gil MorenoSi dating Vice President Noli De Castro, dating Governor Jojo Beltran at SP Gil Moreno ng dumalaw sa Romblon ang una noong nakaraang bagyong Frank.
Nakaamoy ng panganib ang mga residente at nag-aklas, pinangunahan umano ni Taupo, nabuo ang Romblon Ecumenical Forum Against Mining (REFAM) sa pangunguna ni Msgr. Nonato Ernie V. Fetalino, administrador ng Roman Catholic Diocese ng Romblon at Bishop Ronelio Fabriquer ng Iglesia Filipina Independiente (IFI).

May isang Civil Engineer at isang contractor sa bayan ng San Fernando ang paulit-ulit na nagsasabing ang Mt. Guiting-guiting umano ay tulad sa isang napakataas na gusali na ubod ng bigat, kaya nangangailan ng malalim at malawak na pundasyon, at mapanganib na hukayin ang saan man bahagi nito, at baka umano ito ay gumuho. Ngunit, lumipas ang ilang buwan, nakita na itong kasama lagi ni Steve Taule.   

Katotohanan sa isyu ng pagmimina sa Romblon
Ngunit sa hindi malaman na kadahilanan, tila nagkasundo ang nagtitiryahang gobernador at bise gobernador sa iisang “Napakagandang Layunin”. Inaprubahan ni Vice Gov. Samuel Romero ang inisporan ni dating SP Jorge Ramos, na pumapayag sa Altai Mining at Sibuyan Nickel Properties Development Corporation’s (SNPDC) na magsagawa ng pagmimina sa Sibuyan, particular sa bayan ng San Fernando. Kataka-taka rin na tila nagsawalang kibo ang nagwaging representante noon na si Dr. Eduardo C. Firmalo.
Taon 2007, naging mainit na isyu ang pagmimina sa nakaraang halalan, ang nakararaming bilang ng mga botanteng Anti Mining ay ibinasura ang kandidatura ng mga sinasabing Pro-Mining.

Mayor Rios with DILG Usec Austere PanaderosNasa Larawan si DILG USec. Austere Panaderos nang dalawin ng grupo ng mga LGU Official mula sa Romblon na pinangunahan ni San Fernando Mayor Dindo Rios , Vice Mayor Denissa Repiso ng Magdiwang, SB Marin at Dr. Tansiongco at iba pang mga LGU Official na buhat sa ibang bayan ng Mindanao.Ngunit, mga ilang buwan lamang ang nakakaraan, nagsagawa ang grupo ng muling nagwagi sa pagkakongresman na si Eleandro Jesus Fabic Madrona ng tinatawag nilang “Lakbay Aral” dito ay nakita at narinig siyang nagpaliwanag sa kagandahan ng pagmimina gamit ang Philippine Mining Act of 1995, nagkalat din ito sa mga facebook.

June 21, 2008, nanalasa ng husto ang bagyong Frank sa bansa, ang bayan ng Romblon at San Fernando ang labis na napinsala, malaking dagok pa ito sa bayang ito ng lumubog ang barkong Princess of the Star sa bayan na ito, maraming buwan din na di nakakain ng isda ang mga residente rito, kundi pa dinalhan ng Dept. of Agriculture.

Marami ang nagtungo rito pati ang mga kilalang tao tulad nina Manny Pacquio dating pangulong Erap Estrada atbpa, na nagbuhos ng tulong at maging sa ibang bansa ay nagkaloob ng tulong. Marami naman ang nagtatanong kung saan napunta ang mga tulong na tila ‘di yata naitala kahit isang kusing sa Treasure’s office ng Munisipyo.

Sinamantala rin ng mga Sangguniang Panlalawigan ang pagkakataon sa pagdalaw ng Vice President noon na si Noli De Castro sa San Fernando, daglian ang mga ito na gumawa ng resolusyon upang hikayatin ang pamahalaan ni PGMA, noon na aprubahan ang MPSA (Mineral Production Sharing Agreement). Kawawa naman daw kasi ang mga may ari ng mining marami ng nagagastos.

Dec. 23, 2009, apat na araw bago umalis bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) inaprubahan ni Sec. Lito Atienza ang Mineral Production Share Agreement (MPSA) ng ALTAI Mining Philippine Corp. Ito ay nagbibigay ng GO Signal para magsagawa ng eksplorasyon ng Nickel sa 1,580 hektarya sa paanan ng Mt. Guiting-Guiting.

Taong 2010, naging isyu nanaman ang pagmimina sa Romblon, bumalik muli ang natalong kongresman sa panibagong puwesto ng Gobernador at si Mayor Dindo Rios naman sa pagkaalkalde ng San Fernando, Sibuyan, Romblon, kung saan ang target mismong minahin ng Altai Mining Corp.

Nagsagawa rin ng Joint Resolution No.1 at 2 ang tatlong munisipyo ng Sibuyan Island ito ang San Fernando, Cajidiocan at Magdiwang. Pinagtibay ito ng mga alkalde ng pirmahan ang nasabing resolution tulad nina Mayor Dindo Rios, Festo Galang at Baring Manzala.

Ang tumatakbo ngayon sa pagka-alkalde ng San Fernando, na si SB Ricardo Alino na taga Capiz na nakapag-asawa ng taga San Fernando ay hindi nakapirma sa resolusyong inihain. Makikita sa minutes of the meeting ng session noon sa San Fernando ang labis niyang pagtanggi sa nasabing resolution.

Nakasaad sa kanilang resolusyon ang pagsusumamo kay Pangulong Benigno Aquino III na huwag pahintulutan ang pagsasagawa ng pagmimina sa San Fernando o saan man panig ng Lalawigan ng Romblon. Ang pangalawang resolusyon naman ay naninikluhod kay DENR Sec.Ramon Paje na agarang ipatigil ang pagmimina sa Sibuyan.

Nagtungo pa ang mga opisyal at mga taong mapagmahal sa kalikasan ng Sibuyan island sa DILG kasama ang may akda nito, tulad nina Mayor Dindo Rios, Vice Mayor Denisa Repiso, SB Nonoy Radan, SB Marin, Dr. Tansiongco at Rodney Galicha. Nakasabay din ang ibang LGU Officials sa isang bayan ng Mindanao na may kahalintulad din problema.

Dito ay nakausap si DILG Usec Austere Panaderos at nagkaroon ng mainitang pagtatalo, nais pa raw nito na gumawa ng pormal na sulat na inalmahan ng mga naroon pati na ng may akda nito ani Mayor Rios, “Bakit kailangan pa kaming sumulat eh’ narito na nga kami, di ba kayo makapagdesisyon ngayon” galit na turan ni Mayor Rios. Tinanong din ng may akda nito kung ano ang magandang gawin ng LGU Romblon sa nagbabadyang panganib ng pagkasira ng kalikasan, na ano man oras ay magsisimula na ang explorasyon.

Nagpayo naman si Usec. Panadero na gamitin ang awtoridad ng LGU Executive na itinatadhana ng batas, kung tutol ang nakakaraming mamamayan huwag aprubahan ang Business (Mayor’s) Permit. No Permit, No Business Activities. Maaring ipadakip ng Mayor ang sinumang sumuway dito.

581755 618909171459038 1850845522 nTALATANDAAN: Makikita sa larawan si Mayor Dindo Rios kasama ang mga kinatawan ng ABS CBN Media Affairs ng magsagawa ng paglalagay ng mga talatandaan ng mga pinangyarihan ng mga makasaysayang kaganapan, historical event o milestone event.Taong 2011, naglabas ng Executive Order si Gov. Eduardo C. Firmalo ng total Mining ban sa lahat ng panig ng lalawigan ng Romblon, umapela naman ang Sibuyan Nickel Properties Development Corporation’s (SNPDC) sa Regional Trial Court (RTC Branch 81) sa sala ni Judge Ramiro Geronimo. Kasama sa kinasuhan si Gov. Firmalo, sa tatlong alkalde ng bayan ng San Fernando, Cajidiocan at Magdiwang, SI MAYOR DINDO RIOS LANG  ANG IDINEMANDA.

Gayundin, ang tatlong Bise Alkalde at mga Sangguniang Bayan maliban kay SB Aligno, na diumano, ay tinatawanan ang mga kasamang nasasakdal. ”IYAN ANG NAPALA NILA, TATANGA TANGA KASI SILA EH!” dinig ng mga testigo na laging sinasabi umano ni Aligno.
Nagkaroon ng pagdinig (marathon hearing) na isinasagawa sa Bayan ng Magdiwang, Romblon. Minsan nakita umano si Engr. Salem Tansingco na sinundo ang nakachopper na mga bigating abogado mula sa Fortun Narvaza Law Office ng Altai Mining Corp., gamit ang sariling sasakyan na siya mismo ang nagmaneho.

547687 395897753793839 406955011 nSetyembre 2011 pa rin ng positibong tumugon si director Leo Jasareno ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) sa sulat ni Mayor Dindo Rios na nakikiusap na itigil sa lalong madaling panahon ang aktibidad sa pagmimina sa San Fernando, upang umano ay mapigilan ang pagkasira ng Likas na Yaman sa Sibuyan. Naglabas ng Cease and Desist Order laban sa kumpanya ng Altai Mining Corp. na nagbabawal sa pagsasagawa ng explorasyon sa San Fernando.  

29562 509872862378436 2143857636 nIsa sa mga selebrasyon tuwing sumapit ang kapistahan sa bayan ng San Fernando ang makulay na parada ng mga ati-atihan.Naipahayag din ang nasabing CDO sa pangunahing daily newspaper ang Phil. Daily Inquirer, narito ang excerpt ng sipi…

DENR cancels permit to explore for nickel on Sibuyan Island

By Kristine L. Alave
Philippine Daily Inquirer
6:54 pm | Tuesday, September 20th, 2011
 4 226 200

MANILA, Philippines—The Department of Environment and Natural Resources has cancelled the permit given to Altai Philippine Mining Corp. to explore Sibuyan Island in Romblon, heeding the petition of the town mayor who said it would disrupt the island’s biodiversity and the community’s  livelihood.

Big tree No arm can embraceNasa larawan ang isang miyembro ng kapulisan habang tila sinusukat ang pinakamalaki at matandang punong kahoy sa Sitio Layag, Taclobo, Sibuyan, Romblon.Leo Jasareno, director of DENR-Mines and Geosciences Bureau, said he has issued a cease-and-decease order against the company, which is exploring the island’s mineral reserves. Altai Mining is a joint venture between Canadian and Philippine firms.
The company was given permit to explore for nickel in 1,580 hectares at the foot of Mt. Guiting-Guiting. The permit to the company was signed by former Environment Secretary Lito Atienza in Dec. 23, 2009, the MGB said.

Jasareno said the cancellation of the permit was based on the complaint of San Fernando, Sibuyan town mayor Dindo Rios, who said the exploration activities pose a “grave threat to the rivers, streams, and tourism of Sibuyan Island.”

Taon 2013, naglabas ang RTC Branch 82 ng resolution na kinakatigan ang apela ng Sibuyan Nickel Properties Development Corporation’s (SNPDC). Kung saan ay nagsasabing labag sa National Policy ang isinagawa ng Romblon Governor na Executive Order at joint resolution ng tatlong Sangguniang Bayan na pinirmahan naman ng tatlong Alkalde.

Inapela naman ito ng mga LGU sa Court of Appeal. Sa kasalukuyan ay nanatili pa rin nakabitin ang madla sa susunod na mangyayari, sa kanilang mahal na bayan.

Ang panulat na ito ay base sa mga tunay na pangyayari at sa mga datos…ano man ang inaakalang mga pagkukulang o maling impormasyon, bukas kami sa inyong kasagutan. Narito ang aming email ad: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. , This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. at  www.pinoytextonline.com. 

 

 

 

 

 

 

Who's Online

We have 11 guests and no members online

Ads

aa copy

Ulat Panahon

Weather data OK.
MANILA
26 °C

Pulso ng Masa

Parusang Bitay kailangan na bang buhayin para sa mga karumaldumal na krimen?

Oo - 94.1%
Hindi - 5.9%

Total votes: 17
The voting for this poll has ended on: 22 Jun 2014 - 07:36

Copyright © 2013 PinoyText Online! All Rights Reserved.

 

City Address: Estrada, Malate, Manila/Almanza Uno, Las Piñas City
Provincial Address: Brgy. Ligaya, Odiongan, Romblon
Tel. Nos.: 387-7721 804-1744 404-5836
Mobile Nos.: 09185088681, 09296295278

Email This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. | This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

Website:  www.pinoytextonline.com